Chapter 24
Chapter 24
One and a half year later…
“WHAT are you doing here?” Nabiglang tanong ni Lea nang matapos niyang buksan ang pinto ng
kwarto niya ay dere-deretso nang pumasok si Jake. Naupo ito sa kama niya. Tinapik nito ang espasyo
sa tabi nito pero nanatili lang siyang nakatayo malapit sa pinto.
“Alam kong nahihirapan kang makatulog sa gabi. So, here I am. Nakatulog na ang anak natin kaya
ikaw naman ang patutulugin ko.” Ngumiti ang binata pagkatapos ay tumayo at humakbang palapit sa
kanya.
Napaatras si Lea nang makita ang pilyong kislap sa mga mata nito. Pero sa kakaatras niya ay
bumangga na ang likod niya sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang siyang buhatin ng
binata. Marahan siya nitong inihiga sa kama at kinumutan siya hanggang sa mga balikat pagkatapos
ay tumabi sa kanya. Naupo ito roon at sumandal sa headboard.
“I’m really just going to tuck you to bed, honey, don’t worry.” Kinindatan siya ni Jake. “Parehong-pareho
kayo ng prinsesa ko. Hirap makatulog sa gabi. The other night, I tried singing Tatlong Bibe for her. Pero
imbes na makatulog, inabot siya ng hanggang hating-gabi na halos sa katatawa.” Sumimangot ito.
“Naiintindihan kong hindi kagandahan ang boses ko. But must she really laugh that long?”
Wala sa loob na napangiti si Lea.
“That’s why I won’t sing anymore. Not when you, ladies, are about to sleep. Iyon ang natutunan ko.
Kaya dyaran!” Ibinalandra sa kanya ni Jake ang dala nitong libro na ngayon niya lang napansin. “I will
just read you something until you can fall asleep.”
“A fairy tale book?” Hindi makapaniwalang sinabi ni Lea. “Ginawa mo naman akong bata-“
“Why? Don’t you believe in love?”
“I do but-“
“You can’t believe in love without believing in fairy tales first, Lea. Because love is one heck of a fairy
tale.” Masuyong ngumiti sa kanya ang binata. “Kapag pala nagmahal ang isang tao, isa nang
napakalaking biyaya niyon. It transforms you. Dahil nababago ka ng pagmamahal, sa ayaw o sa gusto
mo. It’s… some sort of a magical thing. You know, changing so much all for love. But when the one you
love loves you back, that becomes a fairytale, Lea.” Nag-iwas ito ng tingin. “Sa mundo na hindi lahat ng
gusto mo, nakukuha mo, sa mundo na hindi lahat ng mahal mo, mamahalin ka rin, ang makahanap ng
dalawang taong iisa ng nararamdaman ay isa nang napakalaking fairytale. I realized that now.”
Hindi nakasagotsi Lea. Nanatili lang siya na manghang nakatitig sa mukha ni Jake. Madalas,
pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap niya sa tuwing nagsisimula na itong magsalita. Muli ay
ngumiti ito sa kanya bago binuklat na ang hawak na libro kasabay ng pagbabasa nito.
“The story is about the Sleeping Beauty in the woods, honey. Once upon a time, there were a King and
a Queen…”
Mariing naipikit ni Lea ang mga mata sa takot na masaksihan ni Jake ang muling pagpatak ng mga
luha niya. It was so easy to cry these days. Pero noon ay sigurado siya sa iniiyakan. Si Timothy lang.
Pero sa pagdaan ng mga araw ay para bang nadaragdagan ang mga bagay na iniluluha niya. Lalo na
sa tuwing may mga bagong ginagawa si Jake.
Tuwing naluluha siya noon, sigurado siyang dahil lang iyon sa sakit. Pero nitong mga nakaraang araw,
dahil na rin iyon sa hindi niya maipaliwanag na emosyon na lumulukob sa puso niya sa mga ginagawa
ni Jake.
And tonight, she will cry out of gratefulness. Nang matapos na ang pagkukwento ng binata ay
naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo.
“Good night, Lea. I love you.”
Hindi siya sumagot. Pero nang gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatulog siya nang
mahimbing at nagising kinabukasan na may lakas para sa pagsalubong sa bagong umaga kasama ng
dalawang taong naririnig niyang nagkukulitan at nagtatawanan sa labas ng bahay…
“MOMMY?”
Natigil sa pag-iisip si Lea. Inihagis niya sa dagat ang isang puting rosas bago siya humarap sa anak.
Gaya niya ay bihis na bihis na rin ito. Naroroon uli ang pamilyar na kinang sa mga mata nito. Sa loob
ng ilang sandali ay nasilip niya si Jake sa pamamagitan ng mga matang iyon… ng mga matang
kaparehong-kapareho ng sa ama nito. And when the little girl smiled, Lea felt like she was seeing Jake
smiled.
Sa pagiging isang ina, ilang beses siyang nadapa. Ilang beses siyang nagkamali. Ilang beses siyang
naligaw. Many times, Lea felt like a failure. But in her daughter’s eyes, she was her super mom. At sa
mga matang iyon siya nakahuhugot ng lakas para ayusin ang sarili.
Gumanti siya ng ngiti sa anak. Isang puro at masayang ngiti. Hindi niya inakalang darating ang
ganoong sandali. Iyong makukuha niya nang magpasalamat sa mga alaala ni Timothy nang hindi na
nasasaktan. Iyong mas lamang na ang gratitude kaysa sa sakit. Right now, all she can remember were
the best times she had with the people she loved.
Inilahad niya ang isang kamay sa anak. “’Uwi na tayo?”
Sunod-sunod na tumango ang bata kasabay ng pamamasa ng mga mata. Mabilis na inabot nito ang
kamay niya. Magkahawak-kamay silang lumabas na ng kanilang bahay. Sa gate ay naroroon na ang
isang sasakyan. Sa tabi niyon ay naroroon rin ang mga magulang ni Timothy na parehong nakangiti sa
kanila ng anak. Ang mag-asawa ang maghahatid sa kanila sa airport.
“You will always be a daughter to me, Lea. At si Janna ang parating nag-iisang apo ko.” Anang ina ni
Timothy kasabay ng mahigpit na pagyakap sa kanila ng anak. “Thank you for making my son so happy
while he was still alive. Thank you for coming to our lives. Alam kong nasaan man siya ay masaya siya
sa naging desisyon ninyong mag-ina. It’s time you become happy again.”
Gumanti nang mas mahigpit na yakap si Lea sa ginang. Kuntentong naipikit niya ang mga mata. Sa
isip ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Timothy hanggang sa naglaho iyon at ang mukha na ni
Jake ang pumalit.
“In a town we both call home, you will always find me there… waiting. No matter how long it takes,
Lea.” Naalala niyang pahabol pa ng binata bago umalis ng Auckland noon.
Jake, pauwi na kami… sa wakas, pauwi na kami sa ‘yo.
INILIBOT ni Lea ang tingin sa loob ng simbahang kinaroroonan. Naalala niya noong mga bata pa sila
nina Leandra at Jake. Dahil tanghali na siya madalas nagigising tuwing Linggo ay nauuna nang
magsimba ang mga magulang sa kanya. Siya naman ay susunduin tuwing hapon ng magkapatid para
magsimba kahit pa nagsimba na rin ang mga ito nang umaga para lang may makasama siya.
Before she knew the meaning of pain, Lea was kind of spoiled. Ngayon niya lang na-realize ang bagay
na iyon.
Nang mamatay si Leandra ay si Jake na ang naging kasa-kasama niya sa pagsisimba. Kahit sa
paggawa noon ng mga assignments at projects niya ay nasa tabi niya ang binata. Kung tutuusin ay
parati lang nasa buhay niya si Jake. Noong nagsolo siya ng bahay ay ito pa ang nagdoble ng mga
locks ng mga pinto at bintana sa bahay niya. Ito ang namimili ng mga pagkain o stocks niya sa bahay
sa tuwing nakakalimutan niya.
Si Jake rin ang alarm clock niya sa umaga. Dahil madalas ay tulog mantika siya, ano mang pag-a-
alarm niya ay hindi umuubra. Kaya ito ang pumupunta sa bahay niya at gamit ang sariling susi ay
kakalampagin siya sa loob mismo ng kwarto niya para lang magising siya.
At habang nagmamadali na si Lea sa pagligo at pag-aayos ng sarili, si Jake naman ay abala na sa
kusina para ipagluto siya ng almusal. Noon pa man ay inaalagaan na siya nito. Paglabas niya ay
nakahanda na ang lahat. Ito rin ang naghahatid sa kanya sa opisina kung wala itong maagang
meeting. At gabi-gabi sa tuwing hindi siya nito nasusundo o kaya ay may date ito ay tatawag ito parati
para makasigurong nakauwi na siya nang ligtas. O kaya ay pupuntahan pa siya mismo sa bahay niya.
But she failed to consider those little things before. Because she was expecting for more. And maybe
that was her mistake. Dapat pala ay hindi siya nag-e-expect. Dapat pala ay hindi siya nagmadali.
Dapat pala ay hindi niya pinangunahan ang pagmamahal dahil lang nasasaktan na siya. Dapat ay
hinintay niya si Jake. Dahil minahal rin naman siya nito sa huli. Sooner or later, he was destined to
realize that. Because he was destined to love her… Just as she was destined to love him.
Dahil ang pagmamahal pala, parating nakatadhana. Kung hindi nakatadhana at kung hindi gusto ng
Diyos ay hindi mo iyon maipipilit sa isang tao.
It took her several years of pain and struggles just to realize that. Pero walang pinagsisihan si Lea sa
lumipas na mga taon. Dahil ang lahat ng sakit at ang bawat patak ng luha ang humubog sa pagkatao
niya… sa pagkatao nilang tatlo nina Jake at ng anak. They have come a long, long way together.
Napakahaba na ng nilakbay nila. Ilang taon na nilang ginagawa iyon.
At gaya ng lyrics sa isang sikat na kanta, ‘What a journey it has been’.
Huminto ang mga mata ni Lea sa isang nakaupong bulto sa unang hanay ng mga upuan sa simbahan.
Tapos na ang misa pero nanatili pa rin ito roon.
“ARAW-ARAW niya kaming dinadalaw rito, anak. Sabay-sabay kaming kumakain gaya nang dati.
Pagkatapos ay namamasyal kami. Sa resort niya o kaya ay sa hotel niya. Pakiramdam nga namin ng
Papa mo, dito siya nagtayo ng ganoong mga negosyo para mapalapit sa atin. Sa amin niya ibinuhos
ang lahat ng atensiyon niya sa nakalipas na mahigit isang taon. Jake was a good man, anak.” Naglaro
sa isip niyang sinabi ng ina nang sa bahay nila siya unang nagpunta. Doon niya pansamantalang
iniwan ang anak na napagod sa biyahe.
“Nahuli man niyang na-realize ang mga bagay-bagay, hindi ba’t ang mahalaga ay na-realize niya pa
rin? He never had a woman in his life. Araw-araw siyang naghihintay sa inyo dito sa bayan natin.”
Dahan-dahang naglakad si Lea palapit kay Jake. Naabutan niya itong lumuhod sa luhuran sa ibaba ng
mga upuan pagkatapos ay pumikit. Tumabi siya ng upo sa binata. Gaya nito ay lumuhod rin siya. Pero
nanatili lang siyang nakamasid sa mukha nito. Looking at him right now made her realized just how
much she had missed this adorable man. She was glad that he listened when she told him to let them
go. Dahil hindi pa para sa kanila ang panahong iyon.
Patuloy mang lumaban si Jake noon para sa pamilya nila ay hindi niya ito masasamahan. Dahil hindi
pa siya magaling. She needed time to heal first before she could join his battle, before she could fight
with him and before she could start to believe in fairytales again.
Ngayon ay nakahanda na si Lea na magsimula uli. Nakapag-usap na sila ni Camille, ang pinsan ni
Timothy na partner niya sa architectural firm sa Auckland. Magtatayo sila ng branch niyon sa Maynila
at siya ang mamamahala niyon. Pero sa Pangasinan sila titira. Everything had been set. Luluwas siya
sa Maynila isang beses isang linggo para silipin ang firm. Pero lahat ng disenyo ay sa itatayong bahay
nila sa San Carlos Pangasinan niya gagawin. Kahit si Janna ay inaming iyon rin ang gusto para daw
makasama rin ang lolo at lola nito.
Matagal nang nahiwalay si Lea sa totoong tahanan niya. And she badly missed home.
“Hindi ako nagpupunta sa mga lugar na napuntahan na nating dalawa. Dahil puro magagandang alaala
ang meron ako sa mga ‘yon at ayokong mabahiran ang mga ‘yon ng sakit. Pero nandito ako ngayon sa
isa sa mga paborito nating puntahan. Dahil naniniwala ako na sa pagkakataong ito, mas
madaragdagan pa ang mga magagandang alaala na malilikha rito.” Hinayaan ni Lea ang mga luhang
pumatak sa kanyang mga pisngi, mga luhang sa pagkakataong iyon ay dala na ng nararamdaman
niyang saya sa puso niya.
Kitang-kita niya ang tension na namuo sa mga balikat ni Jake nang marinig ang boses niya. Kasabay
niyon ay ang pagdilat nito at ang pagharap sa kanya. Bumakas ang matinding pagkabigla sa anyo nito.
“L-Lea?”
She softly smiled. “Hello again, Jake.”
ILANG sandaling ikinurap-kurap ni Jake ang mga mata. Pero tuwing ididilat niya ang mga iyon ay ang
nakangiting mukha pa rin ni Lea ang paulit-ulit na nakikita niya. Hindi makapaniwalang iniangat niya
ang mga kamay pahaplos sa mga pisngi nito. Namasa ang mga mata niya nang mahawakan ito. This
time, the image in front of him was no longer a product of his imagination.
This time, it was real. She was real and she was really beside him. Published by Nôv'elD/rama.Org.
Sa pagkakataong iyon ay sa kanya na lang nakatingin si Lea. At sa kanya na lang rin nakangiti, ang
ngiting ilang beses niyang hiniling noon na maibigay rin nito sa kanya. At ngayon ay nangyayari na
iyon. Heck, he had missed that smile. And how he loved that beautiful smile. It just made him fall for
her again.
“You’re back.” Hindi pa rin makapaniwalang sinabi ni Jake.
Tumango si Lea. “Kami ni Janna.”
“But… why?”
“Because this is where happiness is waiting for us.” Pumiyok ang boses ni Lea. “And because this is
where our true home is.” Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa mga palad nito. “It’s with you, Jake.
Home… had always been with you. Ang akala ko noon, nalimutan ko na ang nararamdaman ko para
sa ‘yo. Pero nang makapagpahinga na ‘to,” Itinuro nito ang kaliwang dibdib. “Nang makapag-recharge
na siya, saka ko na-realize na ‘yong pagmamahal ko pala para sa ‘yo ay tumabi lang muna. Pero hindi
siya nawala. It stayed somewhere where it was safe.
“Napagod lang siguro ‘yong puso ko. Kaya naghanap ng siguradong magmamahal sa kanya. And that
was what I needed. I needed to feel loved so I can learn to love again. Timothy’s love helped me pick
up the broken pieces of myself. Pero nang mawala siya, those pieces were back to being broken. But
then you came. Sa sarili mong paraan, tinuruan mo akong makabangon. You didn’t help me pick up the
broken pieces. You helped me endure them. Tama ka. Kailangan ko pala talagang maramdaman nang
husto iyong sakit kapag dumating iyon sa buhay ko. I needed to feel it all at once. I needed to
experience it so when the time comes that I had to let it go, I could do that completely. It was when the
pain subsided that I’ve started to found love in my heart.”
Muling pumatak ang mga luha ni Lea. “Marami nang taon ang lumipas. Marami nang nangyari. Sa
sobrang dami, hindi ko naisip na posible pang dumating ang sandaling ito para sa atin. But His plans
had always been better than ours. I love you, Jake. Sinabi ko sa ‘yo noon na tumigil na muna sa
paglaban. Dahil hindi pa iyon ang oras para sa atin. But can we… start fighting again? I will join you
this time. I promise.”
“Pero Lea, hindi naman ako kahit minsan huminto sa paglaban. I kept waiting every single day. And
that meant that I kept fighting every single day, too.” Jake smiled despite his tears. “Araw-araw akong
tumataya para sa ating tatlo.” Napahugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay maramdaman
niya ang unting-unting paglaya ng puso niya mula sa sakit na matagal-tagal na ring nanatili roon.
Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. Sa wakas, nagmahal siya at minamahal na rin siya. Sa wakas,
magkakaroon na siya uli ng tahanan. Dahil nagbalik na ang kanyang mag-ina. Finally, he had found a
fairytale for his self, too. At gaya ng sa fairytales, napakahirap niyong paniwalaan. Pero hindi
napakahirap na maramdaman. Bakit ba hindi niya iyon nakita at naramdaman kaagad noon?
Love was looking at someone’s eyes and seeing your past, your present and your future all at the
same time. It was seeing your entire life with that person. It was seeing everything, including all that
was ugly and beautiful, all that are painful and all that are joyful. Dahil ganoon ang pag-ibig. Iyon ang
natutunan niya sa loob ng napakaraming taon. Marami iyong mukha. At ang tunay na pag-ibig ay iyong
nakahanda kang yakapin ang lahat ng mukhang ipapakita niyon sa ‘yo. Sakit, pait, lungkot, galit,
pagpapatawad, pag-asa, at saya.
“Lea, mahal kita. Mahal na mahal kita-kayo ng anak natin. Thank you for coming back to me. I knew it
had been a rough road. But you still managed to find your way back home. Thank you… for coming
home.” Bahagyang humiwalay si Jake sa dalaga at pinagmasdan ang napakagandang mukha nito
bago niya siniil ng halik ang mga labi nito na agad namang tinugon nito. His tears fell once more as he
welcomed her kisses, the kisses that he never thought he would experience again.
May gandang nagtatago sa likod ng paghihintay kung paanong may pag-asa ring nagtatago sa likod ng
pakikipaglaban. There was pain in loving. But there was also joy, too that proves that life… is still
beautiful, after all.
WAKAS